Sunday, August 14, 2011

UPCAT Tsapter 2

I was one of those super hopeful parents who prayed to the high heavens last weekend because my Second took the UPCAT. This has been my second time to bring a Kiddo to take the test. First, Issa Maria, who you know, is now in UP Cebu, and now Juan Paolo. He has been reviewing for a month on his own every weekend, and hopefully, his burning the midnight oil would pay off.
Kamiseta Shirt Dress
DC Sneakers
I never told my own UPCAT experience to my kids since it’s not inspirational at all. During my time, there were no special review centers we could enrol in nor book reviewers we could buy from National Bookstore. So asa lang kami talaga sa stock knowledge. And on the UPCAT day itself? Kikay ang ganap. You see, when I took the test, my boyfriend went with me to Diliman (from Las Pinas), and waited for five hours for me until I finished. Also, my barkadas were scheduled the same time as me, so ang saya saya namin sa Metro Manila Transit Bus na double decker. Syempre, sa taas lahat kami umupo! Parang nag-field trip lang. I remember concentrating on the test, but thinking about where the barkadas (with the BF!) would go after the UPCAT. Pero sa awa ng Diyos, pumasa naman ako sa pers choice ko, Industrial Engineering sa Diliman campus. To this day, given the circumstances, I don’t know how I was able to make it.

So when I saw Paolo going inside the testing center, something familiar tugged my heart. I saw myself in him walking with high hopes mixed with apprehension. Hindi rin naman siya nag-iisa, e. His mother was there to see him off.








~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
I saw these witty tips for parents from the Diliman Republic, a store for ‘anik-anik’ UP items (http://dilimanrepublic.com). The articles are actually a segue to advertise their merchandise, but I had fun reading them just the same. Nakaka-miss ang UP at ang kukote ng mga tao dun.

Dear Parents: The UPCAT Advisory.


by Diliman Republic on Wednesday, August 3, 2011 at 10:40am

Dear Parent,

Isa ka ba sa mga magulang na may anak na mag-u-UPCAT this weekend? Napaka-nostalgic 'no? 22 yrs ago (at least) eh ikaw ang nag-UPCAT. Sumakay ka pa ng pulang JD Transit papuntang Diliman. Pinababa mo pa kay mamang konduktor yung lawanit na bintana para makita mo si Oblation pag pasok ng UP. Medyo kabado ka pa kasi sabi ng nanay mo na kung di ka makapasa ng UP eh baka BS Vulcanizing na lang ang pakuha sa 'yo. Pero pagkatapos ng exam eh hindi naman pala ganun kahirap. Ngayon turn na ng anak mo to try and enter the happiest place on earth. Grabe 'no, how time flies when you're having fun talaga. In the case of UP, time's fun when you're having flies.

May mga tips kami na baka makatulong for this weekend:



TIP#1 WAG MASYADO UMASA. Yes, medyo brutal agad ang opening tip. Pero statistics don't lie (only statisticians, sabi ng mga BS Math). Last year, 13,000 daw ang pumasa out of 67,000 examinees (unofficial, correct me if I'm right). That's less than 20% passing rate. So sa limang makikita nyong estudyante sa weekend, isa lang dun ang papasa. Kaya wag mo na silang masyadong tingnan. Pero don't despair. Malaki daw ang role ng genetics sa intelligence. So kung UP ka, higher ang chance ni junakis na makapasa din. Kung UP pa ang asawa mo, naks, halos sigurado na yan.

(mariamarauder: Hay, salamat, ayon kay Madam Bola, malaki raw ang chansa ng anak ko. Apat sa aming limang magkakapatid na Alvarez ang taga-UP, isama mo pa ang panganay ko ngayon.  Nasa genes ba kamo? Ang angas! Hehehe!)



TIP#2 THE PEP TALK. Sigurado namang ihahatid nyo ang anak nyo papuntang Diliman. One the way, bigyan nyo ng pep talk. Kahit nga mga sikat na tulad ni Jordan o ni Tiger Woods eh kailangan pa din ng pep talk before a big fight eh. So kwentuhan mo ng mga experiences mo nung college ka. Magsinungaling kung kinakailangan - mababait ang mga teachers, magaganda mga CR, madadali ang subjects, aircon ang mga rooms, etc. Pero wag na wag mong kalimutan na sabihin sa kanya na kung hindi dahil sa UP eh wala ka sa magandang estado ng buhay ngayon. (omit if not applicable)



(mariamarauder: Hindi na nga ako nagkwento tungkol sa eksperyens ko sa UPCAT o sa UP bago siya nag-eksam. Baka kako lalong nerbyusin. Pinakain ko na lang siya ng peborit nyang baby back ribs sa Bob’s. Plus two cups of rice. Tapos, pinabaunan ko pa ng Bacon Sandwich at Oatmeal cookies galing din sa Bob’s. At bottled water syempre, para di mabilaukan. Mas type nya yun keysa sa mga crappy pep talk from me.)

Ayus!!!

Heto lang ang sa akin, fruit punch (at salad).
Ako yata ang mas dinaga e!


TIP#3 VISUALIZATION. Yan ang technique na ginamit ni Michael Jordan noon. Tumatalon pa lang daw sya for a jump shot eh na-i-imagine na nyang sumu-shoot ang bola sa ring. Yan dapat ang drills para sa anak mo. Kukuha pa lang ng UPCAT eh feeling taga-UP na. And what's the best visualization exercise for this? Aba, ibili mo ng Diliman Republic shirts, bags, clocks, ballers, hoodies o lanyards. Oo nga, medyo mahal ang Diliman Republic, pero anak mo naman yan. At ang laki ng matitipid mo kung sa UP nga sya makapasok. Eh papaano kung hindi makapasa? Puede naman daw ng isanla ang mga DR items.


(mariamarauder: Tsaka ko na siya ibibili, pag pumasa na siya sa Diliman. Pramis!)



Ayan, so pasyal na sa Store #35 sa Shopping Center sa Diliman.

Good luck. Kaya yan!!

Nagmamahal,

Diliman Republic



Top 10 Texts Received After the UPCAT.


Posted on by monchingr from Diliman Republic

10 - Ma, tapos na ako. Anong eskwela na nga ba yung sinasabi mong may BS Vulcanizing?

#9 - Inay, wala naman po daw na exam dito sa Annex Bldg. Tama po ba – SM North Annex?

#8 - Dad, finished with the UPCAT na. Good news!! Will go to Ateneo just like you.

#7 - Ma, classroom ba ‘to o bodega?

# 6 - Mom, finish na ako and I mean “I’M FINISHED”.

#5 - Mommy, hindi ko natapos ang exam. Nakabagal yung pinabaon nyong butong pakwan.

#4 – Itay, tapos na ako. OK lang, wala naman palang aircon mga classrooms dito. Hmp!

#3 - Ate, mukhang masasayang ang pag-memorize natin ng UP Naming Mahal.

#2 - Pa, tapos na ako. Gusto ko na umuwi, kaso paikot-ikot lang -tong jeep na nasakyan ko.

And the #1 text received after the UPCAT was:

Ma, tapos na. Ang dali lang!! Kita na tayo sa Store #35 sa Diliman Republic. Bili mo na ako ng hoodie!!

(mariamarauder: Paolo’s actual text:
 Heka, parang ka-rhyme ng #6, ano? Hehehe!!!)

2 comments:

  1. ha ha ha, kaka-miss ang UP! at gusto ko rin yang hoodie na yan! kasali ka ba dun sa FB group na "Taga UP Diliman ka kung ....", gusto mo i-add kita? kaka-adik sya!

    ReplyDelete
  2. sige, i-add mo ako, roselyn! antagal ko kaya sa diliman...hahaha!!! iba ang hirit ng mga taga-UP kaya nakaka-miss talaga..hehehehe!!! teynks!!!

    ReplyDelete