Anu-ano nga bang mga alaala nating dalawang hindi ko malilimutan?
(1) Kahit di tayo magka-major sa Eng’g, at magka-blockmate lamang, para pa rin tayong suman at mangga na di mapaghiwalay. Sa lunch time, makikain at makiki-siesta ako sa inyo. Pag tapos ng klase natin sa AS, naghihintayan tayo. Sa hapon naman, hinahatid mo pa ako sa may Balara hanggang makasakay ng MMTC bus pa-Las Pinas. Tapos, maglalakad ka lang pauwi. Kinalaunan, di ka na nakatiis, sumasama ka na rin sa akin sa Las Pinas para makitulog. Merong pang oras na pumupunta tayo sa UP LB para naman matulog sa bahay ng Dad mo doon. At para ano? Hindi ko alam. Di naman tayo tibo, di ba? Pero parang gusto nating palagi tayong nagkukwentuhang dalawa. Ewan ko nga ba!
(2) Nang tumagal, dumagdag si Egay sa ating barkadahan. Naku, menage a trois? Nunca! Talagang purong pagkakaibigan lang ito. Hindi ko nga mawari na may ganun ba talagang pagsasamahan. Andami rin nating (mis)adbentyurs na tatlo, di ba? Naikwento ko na rito ang pagbubuhat sa akin ng dalawang waiters palabas ng Tia Maria. (E bakit kasi hindi KAYO ang nagbuhat sa akin, ha?) Meron naman panahong natutulog tayong tatlo sa bahay nina Egay sa Bayaya. At meron ding taym na hindi tayo natutulog. Magjo-joyride tayo sa Coastal Road, paparada sa tabing dagat, para maghanap ng makakausap sa CB radio ni Egay. Ang galing mo noon sa ‘radio talk’. Walang panama si Egay sa ‘yo. Syempre, nandung naki-eyeball pa tayo. Nandun ding halos atakihin si Drayber Egay sa ating kalokohan!!
(3) Pero hindi naman puro kalokohan tayo. May oras na hinanap natin ang Tamang Daan. Um-attend tayo sa simbahan nina Egay. Tapos, nag-Life in the Spirit Seminar pa tayong dalawa. Sosyal, at sa Forbes Park pa tayo dumadayo noon. Naalala mo ba yung nag-confess pa tayo sa UP Chaplain ng ating mga kasalanan? May naikuwento ako sa ‘yo noon sa session ko kay Father, di ba? Malaking palaisipan sa atin yun.
(4) Ikaw rin ang nag-udyok sa amin ni Egay na sumali sa UP Math Club. Doon sa isang Krismas parti ng MC, nag-duet kami ni Egay ng “Santa, make her my bride for Christmas…” At nadiskubre naming may tainga pala kami sa musika. So nagkalakasan ng loob na sumali kami sa UP Concert Chorus. Sumama ka pa nga yata noong mag-audition kami. Hindi pa man kami natatanggap ng Korus, may number one fan na kami ni Egay. Napalayo man kami sa iyo dahil sa world tour, pag balik namin, ikaw ang una kong tinawagan at binigyan ng pasalubong (Colonia from Espania!). Ganyan kita ka-lab! Hehehe!!!
Alam mo, wala tayong pera noon. Pero ang saya-saya natin. Hindi ka kasi tumingin sa status ko noon. O kahit na sa pananamit ko. O kahit ilang lagpak pa ang nakuha ko (natin?). Naging totoo kang kaibigan sa akin. Parang kapatid na maituturing. Dahil diyan, hinding-hindi kita malilimutan. Ay lab yu, my fwend!
Ay, oo nga pala. Haberdey na rin!
Bing
omaygush! pano ba naman tatalunin ni nathan ang samahang etoh!!!! at ngayon, writer ka na rin!!! i still remember the heart-shaped lights nung may garden pa kayo. at ang mga pakikifamily ko sa las pinas. at ang mga field trip sa kung saan-saan!
ReplyDeletethank you sooo much for all that you have shared with me. super love you!
hahaha!!! nakikikumpitensya ba sa akin si nathan? naku, hwag na syang umasa pa. pero sa ikalulubag ng loob nya, iba naman ang level nya--friends with benefits---nyayayahahaha!!!
ReplyDeleteoo, bld-inspired yung heart na yun sa garden..
naku, hindi ko nasama ang field trip natin sa la salle/eac with nathan--ibang yugto na yun kasi...hehehe!!!
labyu, m'fwend!
Talking about the katarantaduhan, grabe ka Babs. Meron pa tayong may-I payanig sa pasig at bigbang sa alabang masunod lang ang layaw. CB radio. I almost forgot pero oo nga grabe ang lantik ng iyong QSL at 10-20. Haha. At pinakagrabe sa lahat, pinag antay mo kami ni Bing sa labas ng isang bahay sa may Parañaque yata iyon, pero ok lang kasi sobrang quickie naman ang pag aantay namin. Hahaha.
ReplyDeletedyoskowpoh...ang mga nights on the road natin..paano ba natin nagawa ang lahat ng mga iyon? those were the days when P50 for gas went a long, long way!!!
ReplyDeletegrabe!!! but i wouldn't have it any other way. kaya nga labs ko kayo hanggang ngayon e!!!
egay...wahahaha!!!!sa las pinas! hahahaha!!!! si chinky! naaalala mo bing nung nakilala pa natin mom nya? wahahaha!!!!
ReplyDelete